PINAKAMALAKING rice importer ang Pilipinas sa buong mundo noong taong 2024 ayon sa Integrated Rural Development Foundation (IRDF).
Sa datos, umabot sa 4.7 milyong metriko tonelada ang inaangkat na bigas ng bansa noong nakaraang taon.
Mula rito ay binatikos nila ang Executive Order No. 62 na nagpapababa ng taripa hanggang 15% mula sa orihinal na 35%.
Nagdulot anila ito ng P145B na pinsala sa mga magsasaka noong 2024 lalo na’t binabaha na ang lokal na bigas ng murang imports.
Binanggit din nito na kung hindi lang ginamit sa industriyalisasyon o sa anumang proyekto ang 520,000 ektarya ng lupang sakahan ay magiging sapat pa sana ang suplay ng bigas sa bansa.