INIHAYAG ng Franchise Asia Philippines 2023 Organizing Committee na ang Pilipinas ang magsisilbing host sa malalaking franchise show na lalahukan ng iba’t ibang kinatawan ng mga bansa sa buong mundo.
Kabilang na rito ang World Franchise Council (WFC) at ang Asia Pacific Franchise Confederation (APFC) meeting na susundan naman ng Asia Philippines Expo 2023 na gaganapin sa Oktubre 27-29, 2023.
Mahalaga ang meeting na ito upang pag-usapan ang paglago ng industriya sa bansa.
Sa kabuuang bilang ng mga exhibitor, 20% dito ay international.
Naniniwala ang naturang asosasyon na malaki ang maitutulong sa ekonomiya ng Pilipinas sa ilang araw na franchise show matapos na pinadapa ng pandemya ang karamihang negosyante sa bansa.
Bahagi rin sa kaganapang ito na mai-promote ang Sustainable Development Goal (SDG) partikular na sa industriya ng agrikultura.