Pinaniniwalaang debris ng space rocket, bumagsak sa isang nayon sa China

Pinaniniwalaang debris ng space rocket, bumagsak sa isang nayon sa China

BUMAGSAK sa Xiangqiao Village, Guizhou Province, Southwest China ang pinaghihinalaang debris mula sa isang rocket na inilunsad kamakailan.

Ayon sa ilang footage na lumabas online, ilang sandali matapos ang pagtake off ng Long March 2C carrier rocket, alas-3 ng hapon, local time noong Sabado, Hunyo 23 mula Xichang Satellite Launch Center sa Sichuan ay kumalat agad ang usok dahilan upang magsipagtakbuhan ang mga residente sa Xiangqiao.

Bagama’t naging matagumpay ang pagtake off nito ayon sa China Aerospace Science and Technology Corporation (CASC) may ilang debris tulad ng anilay “cylindrical pieces” ng rocket ang nahulog sa isang rural village at bumagsak.

Kaugnay rito, nagdulot na ng takot sa mga residente sa nayon ang pagkakahulog ng mga debris.

Follow SMNI NEWS on Twitter