Pinoy athletes, magkakaroon ng one-month training sa France para sa 2024 Paris Games

Pinoy athletes, magkakaroon ng one-month training sa France para sa 2024 Paris Games

MAGSASAGAWA ng isang buwang training camp sa Metz, France ang mga Pinoy athlete na maglalaro sa 2024 Paris Olympics.

Ayon ito kay Philippine Olympic Committee (POC) Chairman Bambol Tolentino.

Aalis ang mga ito sa June 21 para sa send off at sa June 22 na ang ganap na pag-alis papuntang France.

Ang Paris games ay gaganapin sa July 26 hanggang August 11, 2024.

Sa kasalukuyan ay nasa siyam na Pinoy athletes na ang kwalipikado para sa Paris Olympics.

Ito ay sina EJ Obiena; ang mga boksingero na sina Nesthy Petecio, Aira Villegas, at Eumir Marcial; weightlifters na sina John Ceniza, Vanessa Sarno, at Elreen Ando; at gymnasts na sina Carlos Yulo at Aleah Finnegan.

Follow SMNI NEWS on Twitter