NAGWAGI ng Platinum Remi Award ang Pinoy musical film na ‘Song of the Fireflies’ mula sa 58th Worldfest-Houston International Film Festival.
Ayon sa award-giving body, kinilala ang naturang musical film dahil sa kahusayan nito sa theatrical filmmaking at musical storytelling.
Sentro ng kuwento ng ‘Song of the Fireflies’ ay ang tunay na pangyayari tungkol sa isang internationally-acclaimed children’s choir mula sa bayan ng Loboc, Bohol.
Ipinakita rito kung paano nabuo ang choir, at ang mga pagsubok na hinarap ng mga bata at ng kanilang mga tagapagturo.
Matutunghayan din dito kung paano naging inspirasyon ang kanilang musika sa kabila ng kahirapan at mga trahedya sa buhay.
Tampok dito sina Morissette Amon at Rachel Alejandro.