Pinsala ng Bagyong Kristine sa agri sector, nasa P80.80M na—DA

Pinsala ng Bagyong Kristine sa agri sector, nasa P80.80M na—DA

UMABOT na sa P80.80M ang pinsalang dulot ng Bagyong Kristine sa sektor ng agrikultura.

Batay ito sa update ng Department of Agriculture (DA) hanggang noong Huwebes, Oktubre 24, 2024, apektado ang 2,864 na mga magsasaka mula Cordillera, MIMAROPA, Bicol, at Western Visayas.

Saklaw rito ang 1,570 na ektaryang sakahan.

Tinataya namang nasa 5,287 metric tons ang production loss dahil sa bagyo.

Mula sa bilang, 5,228 metric tons ang palay; 55 metric tons ang mais; at 4 metric tons ang high value crops.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble