Pisikal na panghuhuli sa mga violator, tuloy pa rin

Pisikal na panghuhuli sa mga violator, tuloy pa rin

TULOY pa rin ang panghuhuli ng mga enforcer sa mga motoristang lumalabag sa batas-trapiko.

Ito ang nilinaw ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa kanilang opisyal na Facebook page sa kabila ng ipinapatupad na No Contact Apprehension Policy (NCAP).

Sinabi ng MMDA na may mga blind spot o mga lugar na walang CCTV camera kaya kailangang ipagpatuloy ang physical apprehension ng mga lumalabag.

Pinaliwanag din ng ahensiya na hindi ito magreresulta sa double ticketing.

Samantala, sinimulan na ng ahensiya ang pagpapadala ng mga notice of violation sa mga lumabag batay sa NCAP camera footage.

Ang mga notice ay ipinadala sa mga address na nakalista sa vehicle registrations ng Land Transportation Office (LTO).

Kasama na rito ang mga nasa labas ng National Capital Region.

Ang ilan sa mga notice ay inihatid ng MMDA motorcycle unit habang ang iba ay ipinadala sa pamamagitan ng PhlPost.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble