MAY malaking epekto sa global supply ng green metal ang ipinapanukalang pagbabawal sa pag-export ng nickel ore ng Pilipinas.
Partikular na mararanasan ang epekto sa bansang Indonesia ayon sa BMI, isang British multinational research firm na subsidiary ng research company na Fitch Solutions.
Ang Indonesia ay nag-aangkat ng 10.2 milyong metriko toneladang nickel ore mula sa Pilipinas para matugunan ang problema nila sa suplay.
Makikitang kailangan ng Indonesia ang nickel ores dahil isa sila sa pinakamalaking producer ng nickel sa mundo.
Ginagamit naman ang nickel para sa iba’t ibang industriya, lalo na sa paggawa ng baterya sa mga electric vehicle.
Dahil sa lumalaking demand para sa electric vehicles at iba pang teknolohiya na nangangailangan ng nickel, umaangkat ang Indonesia ng nickel ore mula sa Pilipinas.
Follow SMNI News on Rumble