PNP-CIDG Director PBGen. Ronald Lee, tinanggap ang hamon ni Interior Sec. Abalos

PNP-CIDG Director PBGen. Ronald Lee, tinanggap ang hamon ni Interior Sec. Abalos

WALANG alinlangan na tinanggap ni PNP-CIDG PBGen. Director Ronald Lee ang ginawang hamon ni Interior Secretary Benhur Abalos para sa kusang magresign ang mga opisyal ng Philippine National Police (PNP) na sangkot sa iligal na droga.

Ani Lee, mainam na hakbang ito para tuluyang malinis ang kanilang hanay lalo na mula sa impluwensiya ng iligal na droga.

Giit ng heneral, nakahanda siyang humarap sa imbestigasyon kaugnay sa hamon ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Kumpiyansa rin ang opisyal na malinis ang kanyang tanggapan kasama ng kanyang mga tauhan sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Kasabay nito ang paghimok sa kanyang mga kasamahan na huwag matakot sa panawagang ito kung sa tingin nila ay wala naman silang kinalaman sa iligal na droga.

Umaasa ang pamunuan ng PNP-CIDG na kahaharapin ng mga tiwaling pulis ang ngipin ng batas at tuluyang maalis ang mga ito sa pwesto na sumisira sa imahe ng mandato ng kanilang uniporme at organisasyon.

Follow SMNI NEWS in Twitter