PNP, hindi magrerekomenda ng Suspension of Police Operations sa mga CTGs ngayong holiday

PNP, hindi magrerekomenda ng Suspension of Police Operations sa mga CTGs ngayong holiday

MAGPAPATULOY ang Philippine National Police (PNP) sa pagsasagawa ng operasyon laban sa mga rebelde ngayong holiday season.

Ito ang iginiit ni PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr. matapos hindi magdeklara ng Suspension of Police Operations (SOPO) sa mga kalaban ng gobyerno.

Ayon kay Azurin, patuloy ang kanilang law enforcement at public safety operations laban sa mga paglabag sa batas ng mga rebelde.

Gayundin ang pagpapanatili nila sa kanilang defense posture sa posibleng karahasan at paggawa ng krimen ng nasabing grupo.

Una nang inanunsyo ni General Azurin na ilalagay sa high alert ang PNP sa December 26 bilang bahagi ng ika-54 na anibersaryo ng Communist Party of the Philippines (CPP).

Madalas aniyang naglulunsad ng pag-atake ang grupo laban sa pwersa ng gobyerno sa nabanggit na petsa.

Follow SMNI NEWS in Twitter