PNP: Mga natagpuang palutang-lutang na shabu sa karagatan ng Luzon halos P9B na

PNP: Mga natagpuang palutang-lutang na shabu sa karagatan ng Luzon halos P9B na

UMABOT na sa mahigit ₱8.8B ang halaga ng ilegal na droga na sunod-sunod na natagpuang palutang-lutang sa iba’t ibang bahagi ng karagatan sa Luzon.

Ayon sa Philippine National Police (PNP), tinatayang 1.2 tonelada o katumbas ng 1,297.9 kilo ng shabu sa loob ng 66 sako ang nadiskubre sa mga baybayin ng Masinloc, Zambales; Santa Cruz, Ilocos Sur; at ilang bahagi ng Pangasinan.

Pinakahuli rito ay ang 25-kilo sako ng shabu na natagpuan sa Magsingal, Ilocos Sur nitong Lunes, Hunyo 9, 2025.

Hinikayat na ng PNP ang mas mahigpit na coastal patrols kasama ang Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine Navy laban sa ilegal na droga sa karagatan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble