PNP wala pang natatanggap na banta sa seguridad sa paparating na Holy Week

PNP wala pang natatanggap na banta sa seguridad sa paparating na Holy Week

WALA pang natatanggap na banta ang Philippine National Police (PNP) sa seguridad para sa nalalapit na paggunita ng Semana Santa sa susunod na linggo.

Ito ang kinumpirma ng PNP sa panayam kay PIO Chief PCol. Jean Fajardo.

Ani Fajardo, tuloy ang kanilang obserbasyon sa paparating na aktibidad bagama’t ayaw nilang magpakakumpiyansa sa mga posibleng mangyayari.

Kasama rito ang regular na koordinasyon sa kanilang counterparts gaya ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Coast Guard (PCG), at publiko para maiwasan ang mga krimen na lumaganap tuwing dumarating ang nasabing panahon.

Siniguro naman ng PNP na magiging visible at mabilis malapitan ang kanilang tauhan sa oras ng pangangailangan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble