Police Captain Michelle Sabino, sinibak bilang ACG spokesperson

Police Captain Michelle Sabino, sinibak bilang ACG spokesperson

SINIBAK si Police Captain Michelle Sabino bilang tagapagsalita ng PNP Anti-Cybercrime Group (ACG).

Ito ang kinumpirma ni PNP ACG director Police Brigadier General Sydney Hernia matapos ang kontrobersiyal na pakikipag-collab ni Sabino sa vlogger na si Rendon Labador.

Sa mensahe ni Hernia, sinabi nito na inilipat niya ng ibang puwesto si Sabino habang naghahanap sila ng bagong tagapagsalita ng ACG.

Iniimbestigahan ng PNP Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM) si Sabino makaraang isama si Labador sa lehitimong operasyon ng ACG sa isang online lending company sa Makati City kamakailan.

Nabatid na inirereklamo si Labador matapos nitong ipakita sa livestream ang mga empleyado ng sinalakay na kompanya na hindi sumunod sa media policy ng PNP.

Maliban dito, nagpahayag din ng pagkadismaya si Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) executive director Gilbert Cruz sa ginawa nina Sabino at Labador dahil nalabag umano nila ang Data Privacy Act sa nasabing operasyon.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter