Political analyst: Impeachment issue vs. VP Sara Duterte, lusaw na

Political analyst: Impeachment issue vs. VP Sara Duterte, lusaw na

NA “back to you” ang Kamara sa hangarin nitong ipa-impeach si Vice President Sara Duterte matapos bumoto ang mayorya sa Senado na ibalik ang kaso sa Mababang Kapulungan.

18 senador ang pumabor nitong Martes sa mosyong nagsasaad na ang Kamara pa rin ang dapat maglinaw kung hindi ba nito nilabag ang itinakdang limitasyon sa ilalim ng Saligang Batas.

Pero para kay political analyst Atty. James Reserva, hindi ito basta simpleng procedural move dahil malinaw na isa itong insulto sa Kamara.

“To me, parang first—the House would not like it, parang interference ‘yun. Imagine they will be asked to certify kung hindi na-violate ‘yung constitutional requirement,” pahayag ni Atty. James Reserva, Political Analyst.

Tatlong verified complaint ang isinampa noong Disyembre 2, 4, at 5, 2024 laban sa bise sa isyu ng umano’y iregularidad sa paggamit ng confidential funds ng kaniyang tanggapan.

February 5, 2025 isinampa naman ang ika-apat na reklamo at ito ang inakyat sa Senado bilang articles of impeachment.

Ngunit ayon sa Article XI, Section 3 ng 1987 Constitution, malinaw na ipinagbabawal ang pagsasampa ng higit sa isang impeachment complaint laban sa parehong opisyal sa loob ng isang taon anuman ang anyo o laman ng reklamo.

Hamon ngayon ng Senado sa Kamara, patunayang hindi nila nilabag ang itinatakdang one-year rule sa ilalim ng Saligang Batas kaugnay ng impeachment proceedings.

“Talagang insult ‘yun sa House, ‘yung certification whether na-comply ba ‘yung constitutional requirements kasi ‘yung power to initiate impeachment proceedings—exclusive power ‘yan ng House. As to how they are going to do it, it’s their judgement. Parang they will be asked whether na-violate nila what happened to the 3 impeachment complaints, para sa akin bawal ‘yun eh. They will be insulted for that,” giit ni Atty. Reserva.

Bukod diyan, inaatasan din ng Senado ang Kamara na makipag-ugnayan kung tatanggapin ba ng upcoming 20th Congress senators ang articles of impeachment.

Bagay na masasagot lamang kung papabor sa impeachment ang bagong batch ng mga senador na kakapanalo lamang sa nagdaang eleksiyon.

“They cannot do that now; they can’t speak for the 20th House of Representatives. So apparently, walang mangyayari ‘yang requirements na ‘yan within the time frame mula ngayon hanggang June 30.”

“Lusaw na oo, lusaw na’’ aniya pa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble