Political analyst: Impeachment trial ni VP Sara malabong umusad

Political analyst: Impeachment trial ni VP Sara malabong umusad

NAIPROKLAMA na nitong Sabado ang 12 bagong senador na nanalo sa 2025 midterm elections, kaya’t kompleto na ang 24 na miyembro ng Senado.

Kasunod nito, muling uminit ang usapin kaugnay ng impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon sa political analyst na si Ka Ado Paglinawan, malaki ang magiging papel ng bagong komposisyon ng Senado sa magiging takbo at kahihinatnan ng impeachment trial.

Itinuturing namang independent o walang kinikilingang partido ang tatlong nahalal na sina Tito Sotto, Ping Lacson, at Pia Cayetano.

Dagdag pa rito sina Bam Aquino at Kiko Pangilinan mula sa Liberal Party, na inaasahang magkakaroon ng sariling posisyon sa usapin.

Gayunpaman, hindi pa rin aniya tiyak ang magiging resulta nito dahil sa komplikadong proseso ng impeachment.

Bagamat may mga grupo na nais itulak ang kaso, kailangan pa rin ng sapat na boto upang maipasa ito.

Malinaw para kay Ka Ado na ang bagong komposisyon ng Senado ay malaking hadlang sa pag-usad ng impeachment trial laban kay VP Sara Duterte.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble