DINOBLE ng pamahalaan ang pondo para sa rehabilitasyon ng Light Rail Transit Line (LRT-1) sa halagang P1.48B.
Orihinal na nasa P700M lamang ang kailangan para sa pagkukumpuni ng mga bitak sa lahat ng istasyon at viaducts mula Baclaran hanggang Fernando Poe Jr. Station.
Ngunit sa ulat nga ng Light Rail Transit Authority (LRTA), nadagdagan na ito ngayon ng P772.5M.
Gayunpaman, sinabi ng LRTA na kinakailangan pa ng karagdagang P750M upang mapabuti ang estruktural na integridad ng mga istasyon ng EDSA at Monumento.
Kailangan din ng LRTA ng P22.5M para sa engineering, administrative, at overhead services.