Pondo para sa paglikha ng halos 680 na mga posisyon sa 9 na MSU campuses, inaprubahan ng DBM

Pondo para sa paglikha ng halos 680 na mga posisyon sa 9 na MSU campuses, inaprubahan ng DBM

APRUBADO na ni Department of Budget and Management (DBM) Sec. Mina Pangandaman ang paglikha ng karagdagang halos 680 permanenteng posisyon sa faculty ng siyam na mga campus ng Mindanao State University (MSU).

Kinokonsidera itong makasaysayan para sa unibersidad.

Nabatid na sa nakalipas na mga taon, tuluy-tuloy ang pagdami ng populasyon ng mga nag-aaral sa mga sangay ng MSU ngunit hindi sa bilang ng mga faculty positions.

Ayon sa Department of Budget and Management (DBM), ang naaprubahang badyet para sa naturang mga posisyon ay nagkakahalaga ng P334.24-M.

Ang MSU General Santos, Sulu at Marawi ang may pinakamaraming karagdagang faculty members na nasa pagitan ng 108 hanggang 150 ang bilang.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble