DAVAO CITY — Puspusan ang ginagawang paghahanda ng mga campaign organizers sa Plaza 9, NHA Ma-a para sa isasagawang rally ni Senatorial Candidate Pastor Apollo C. Quiboloy ngayong araw, Mayo 3, 2025, sa ilalim ng panawagang “Ayusin Natin ang Pilipinas.”
Ang nasabing rally ay inaasahang dadaluhan ng mga tagasuporta mula sa iba’t ibang bahagi ng lungsod, na sabik na ipakita ang kanilang pakikiisa sa panawagan para sa reporma, disiplina, at bagong direksyon sa pamahalaan.
Ayon sa organizers, ang aktibidad ay bahagi ng final stretch ng kampanya bago tuluyang matapos ang campaign period ng Midterm Elections 2025. Inaayos na rin ang seating arrangement, audio system, at security coordination upang masiguro ang maayos na daloy ng programa.