Preparasyon sa idaraos na BSKE at plebisito sa Ormoc, nagpapatuloy

Preparasyon sa idaraos na BSKE at plebisito sa Ormoc, nagpapatuloy

SISIMULAN na ng Commission on Elections (COMELEC) ang pagpapa-imprenta ng mga papeles na gagamitin sa plebisito sa Ormoc, pati na ang para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Sinabi ni COMELEC spokesperson Atty. John Rex Laudiangco na kabilang sa mga nakatakdang iimprenta ay ang mga official ballots at iba pang mga forms na gagamitin sa BSKE na idaraos sa Disyembre 5 at sa plebisito sa Ormoc sa Oktubre 8.

Umaasa naman ang COMELEC na katulad ng nangyari sa plebisito sa Maguindanao kamakalawa ay magiging matiwasay rin ang idaraos na plebisito sa Ormoc.

Patuloy naman ang paghahanda ng COMELEC sa nakatakdang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections habang hinihintay pa ang pinal na desisyon ng Kongreso kung matutuloy ba o kung muli itong ipagpapaliban.

Follow SMNI NEWS in Twitter