HINANGAAN at pinasalamatan ni presidential candidate attorney and Doctor Joey Montemayor ang SMNI dahil sa mahusay na pag-organisa sa The Deep Probe: The SMNI Presidential Candidates Interview at sa mahusay na pagtanggap sa kanila bilang panauhin sa naturang kaganapan.
Aminado si Montemayor na kulang para sa kanya ang isang oras na interview ng mga panelist sa katatapos lang na The Deep Probe: The SMNI Presidential Interview na ginanap sa Okada, Manila.
Ayon kay Doktor Joey Montemayor kahit nakukulangan siya ng oras sa interview ay napakaganda pa rin ng palitan ng mga tanong na ibinabato sa kanya ng mga panel na aniya’y puro matatalino.
Giit ni Doc. Joey Montemayor ang inorganisang The Deep Probe ng SMNI ay walang kapantay at hindi maikukumpara sa iba.
Bukod pa dito tinawag din ni Montemayor na friendly environment ang SMNI event ngayong gabi sa Okada Manila dahil bukod sa mahusay na interview ng mga panelist ay mahusay din ang pagtanggap sa kanila ng SMNI kahit sa pinakasimpleng bisita.
Samantala, bukod sa presidential debate na una nang inorganisa ng SMNI noong Pebrero ay hinangaan din ng mga dumalong bisita ang bagong format ng pagkilatis sa mga presidentiables at ito ay sa pamamagitan ng mistulang job interview.
Para sa kanila, nakatutulong ang ganitong paraan para agad na makikilatis at madaling mapili ang mga kandidatong iboboto sa halalan.