MAGKAKAROON ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo ngayong linggo.
Nasa 70 sentimos hanggang 90 sentimos ang rollback sa gasolina habang 40 sentimos hanggang 60 sentimos sa diesel.
Sa kerosene ay tinatayang nasa 50 sentimos hanggang 70 sentimos ang rollback.
I-aanunsiyo ng mga kompanya ng langis ang kanilang pinal na price adjustment ngayong araw at magiging epektibo ito bukas, Enero 28.