Presyo ng produktong petrolyo, tataas ngayong linggo

Presyo ng produktong petrolyo, tataas ngayong linggo

TATAAS ngayong linggo ang presyo ng produktong petrolyo.

Magpapatupad ng taas-presyo ang mga kompanya ng langis ngayong linggo.

Batay sa pagtataya, tataas ng mula P0.90 hanggang P1.10 ang kada litro ng diesel habang mula P0.20 hanggang P0.50 ang kada litro ng gasolina.

Posibleng magdadagdag din ng P0.90 hanggang P1.10 ang kada litro ng kerosene.

Asahan naman ngayong araw ng Lunes ang anunsiyo ng mga kompanya ng langis para sa kanilang pinal na price adjustment.

Ang naturang taas-presyo ay ika-siyam na sunod na linggo na para sa diesel at kerosene habang ika-walong linggo naman sa gasolina.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble