BUONG kumpiyansang ipinahayag ni Geopolitical Analyst Prof. Anna Malindog-Uy ang kaniyang suporta kay Pastor Apollo C. Quiboloy, na itinuturing niyang nangunguna sa kaniyang listahan ng mga kandidato.
Para sa kaniya, higit sa talino at kakayahan, mahalaga ang moralidad at matuwid na pamumuno sa pagpili ng mga lider ng bansa.
Naniniwala siya na taglay ni Pastor Quiboloy ang moral ascendancy na kailangan sa mga halal na posisyon upang magdala ng tunay na pagbabago sa bansa.
“Sa listahan ko, number 1 si Pastor Quiboloy-why? Because Pastor is a Pastor. Alam niya kung ano ang right and wrong, and in terms of moral and not, that is very important.
It’s not about intelligence and competence, the sense of having a candidate na may moral uprightness, and there is a sense of righteousness. We need more people who have his kind of moral ascendency to be in elected position,” pahayag ni Prof. Anna Malindog-Uy, Geopolitical Analyst.