Prof. Calilung: Pakikipagbati ni Marcos Jr. sa mga Duterte pagtakip sa politikal na kaguluhan

Prof. Calilung: Pakikipagbati ni Marcos Jr. sa mga Duterte pagtakip sa politikal na kaguluhan

SA isang panayam kamakailan, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kahandaan niyang makipag-ayos at makipagkasundo sa pamilya Duterte, sa gitna ng patuloy na tensiyon sa pagitan ng dalawang kampo na dati’y magkatuwang sa ilalim ng Uniteam.

Ayon sa political analyst na si Prof. Froilan Calilung, tila hindi nagtutugma ang mga pahayag ng Pangulo sa kaniyang mga naging hakbang nitong mga nakaraang buwan.

Ang mga desisyong ito ni Marcos Jr. ay nagdulot aniya ng kaguluhan sa politika.

Sabi pa ni Calilung, kung gusto talaga ng Pangulo ng kapayapaan, sana’y noon pa niya pinigilan ang mga hakbang ng kaniyang mga kaalyado.

Ayon pa sa kaniya, lumalabas na ang Pangulo ay isang lider na mahina at hindi pinaninindigan ang mga salita at hakbang na kaniyang ginawa noon.

Posible rin umanong ginagamit ngayon ng Pangulo ang ideya ng pakikipagkasundo upang bigyang-katwiran ang hindi pagtutuloy ng impeachment laban sa bise presidente.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble