Propesor: Senado takot sa mga taga-Mindanao

Propesor: Senado takot sa mga taga-Mindanao

IBINAHAGI ng isang propesor ang nakikita niyang dahilan kung bakit ibinalik ng Senado sa Kamara ang impeachment case ni Vice President Sara Duterte.

Sa panayam ng SMNI News sa political and constitutional law professor na si Atty. James Reserva, sinabi nyang natatakot sa mga taga- Mindanao ang mga mambabatas sa Senado kung kaya’t ginawa nila ang naturang hakbang.

Nakita aniya ng mga senador na malaking boto ang mawawala sa kanila kung kakalabanin nila si VP Sara lalo na ang Mindanao at Visayas ay kilalang supporters ng pamilya Duterte.

Matatandaan na ni remand o ibinalik ng senado sa Kamara ang impeachment case ni VP Sara.

Ito’y dahil apat na impeachment complaints ang inihain ng Mababang Kapulungan at labag ito sa itinakda ng Saligang Batas.

Dapat ay isang beses lang sa isang taon maghain ng impeachment complaint laban sa isang government official.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble