Proposed joint oil exploration ng Pilipinas at China, dapat ituloy ng susunod na administrasyon – PRRD

Proposed joint oil exploration ng Pilipinas at China, dapat ituloy ng susunod na administrasyon – PRRD

DAPAT ipagpatuloy ng susunod na administrasyon ang commitment ng Pilipinas sa proposed joint oil exploration sa bansang China sa West Philippine Sea (WPS).

Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang regular Talk to the People.

Saad ng punong ehekutibo, ito ay isang paraan upang maiwasan ang tunggalian sa pagitan ng bansa at China.

Bukod pa rito, ayaw ni pangulong Duterte na masali ang bansa sa anumang sigalot tulad ng paglusob ng Russia sa Ukraine at ang pag-angkin ng China sa Taiwan.

Aniya dapat maging cool at relax lang ang Pilipinas sa pag-resolba ng problemang ito at hindi dapat tuksuhin ang mga makapangyarihang lider ng ibang bansa para hindi magkagulo.

Magugunitaang, nilagdaan ni pangulong Duterte ang memorandum of understanding na magkaroon ng joint oil and gas development sa WPS noong November 2018.

Follow SMNI NEWS in Twitter