SA isang post sa kaniyang official social media account, ipinahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa publiko na lubusin ang mga long weekend ngayong 2024 kasama ang pamilya at mga mahal sa buhay.
Panawagan pa ni Pangulong Marcos, maiging paghandaan ding mabuti ang mga transaksiyon at bakasyon para sa isang produktibo at masaganang taon.
Malacañang, naglabas ng listahan ng holiday at long weekend ngayong 2024
Nitong Martes, inilabas ng Malacañang ang listahan ng holiday at long weekend ngayong 2024.
Deklaradong Regular Holiday ang January 1 o New Year’s Day habang Additional Special Non-Working Day ang February 10 o Chinese New Year.
Holy Week vacation naman simula March 28, Maundy Thursday; March 29, Good Friday; March 30, Black Saturday; at March 31, Easter Sunday.
Regular Holiday ang April 9 o Araw ng Kagitingan; ang May 1, Labor Day; at June 12, Independence Day.
Special Non-working Day ang August 21, Ninoy Aquino Day.
Samantala, papatak na long weekend ang August 24 araw ng Sabado; August 25, araw ng Linggo; at August 26, Lunes, na National Heroes Day.
Long weekend uli, All Saints’ Day sa November 1, araw ng Biyernes; All Soul’s Day sa November 2; at November 3 na papatak ng araw ng Linggo.
Sa November 30 ay Bonifacio Day na isang regular holiday ngunit papatak ng Sabado.
Pista ng Immaculate Concepcion ang December 8 na papatak ng araw ng Linggo.
Additional Special Non-working Day sa December 24 at araw ng Pasko sa December 25.
Long weekend naman ang December 28; 29; at 30 na Rizal Day, araw ng Lunes; habang Special Non-working Day ang December 31, 2024.
Bukod dito, idineklara din ng Malacañang ang January 9, 2024, araw ng Martes, na Special (Non-working) Day sa Maynila, para sa Pista ng Itim na Nazareno.