Nagbuo ang Pamahalaang Lungsod ng Quezon ng Heat Action Team na lilibot sa mga barangay upang palakasin ang paghahanda ng mga komunidad laban sa matinding init na dulot ng Very Strong El Niño.
Kabilang sa mga tututukan ng grupo ang pagpapaalala sa tamang pag-iimbak ng tubig, mga hakbang upang makaiwas sa epekto ng matinding init, at pagbibigay ng edukasyon sa publiko tungkol sa mga posibleng epekto ng El Niño.
Ayon kay Edwin Carlos Valdez, deputy chief ng Disaster Risk Reduction and Management Department (DRMMD) ng Quezon City, mahalaga ang aktibong pakikipag-ugnayan sa mga barangay upang matiyak na handa ang mga residente sa posibleng epekto ng tagtuyot at matinding init.
Patuloy naman ang panawagan ng pamahalaan sa publiko na mag-ingat, magmatyag at agad makipag-ugnayan sa mga kinauukulang ahensiya kapag makaranas ng hindi pangkaraniwang epekto ng El Niño sa kanilang komunidad.
Matatandaang opisyal nang idineklara ng PAGASA ang Very Strong El Niño ngayong buwan, kaya pinaiigting ng mga lokal na pamahalaan ang kanilang mga hakbang sa paghahanda at pagprotekta sa publiko.
