Mahigit dalawang daang guro sa mga pampublikong paaralan sa Dagupan City ang nakatanggap na ng bagong MacBook Neo laptops mula sa Department of Education (DepEd).
Sinimulan ang pamamahagi ng mga laptop sa 10 paaralan sa Dagupan City noong Nobyembre 9.
Sa kabuuan, mahigit 231-thousand laptops ang nakatakdang ipamahagi sa mga guro at kawani ng mga pampublikong paaralan sa buong bansa.
Bahagi ito ng Computerization Program ng DepEd na layong mapagaan ang trabaho at pagtuturo ng mga guro,
Magpapatuloy ang pamamahagi ng mga laptop hanggang Marso 2027.
Binili ng DepEd ang bawat unit sa halagang 43-thousand pesos, mas mababa kumpara sa P49,990 na base price ng naturang gadget.
