MALAPIT nang makakuha ang Pilipinas ng isang qualification system para sa higher education programs na nakalinya sa New Zealand at Australia ngayong taon.
Ayon ito sa Commission on Higher Education (CHED) alinsunod sa layunin ng gobyerno na gawing globally competitive ang mga Pinoy graduate.
Napili rin ng CHED ang qualification systems ng New Zealand at Australia dahil marami ang mga Pilipino pumupunta rito.
Sa Abril ay nakatakda namang bumisita ang CHED at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa New Zealand.
Habang sa Hunyo o Hulyo ang sa Australia ayon kay CHED Chairperson J. Prospero De Vera III.