HINDI pa matiyak ng Spanish tennis player na si Rafael Nadal kung maglalaro pa ito muli matapos natalo sa doubles event ng Paris Olympics.
Sa isang panayam, sinabi lang nito na kung iyon na ang huling laro niya ay pinapasalamatan niya sa muli ang kaniyang fans na laging sumusuporta sa bawat laro.
Sa ngayon ay wala pa namang sinasabi si Nadal na magreretiro na ito sa tennis.
Sa singles event ay natalo rin si Nadal ng makalaban nito ang Serbian na si Novak Djokovic.