PINANGALANAN bilang ambassador para sa Saudi Tennis Federation ang Spanish tennis legend na si Rafael Nadal.
Mula rito ay tutulong si Nadal para magsagawa ng training sa mga kabataan sa Saudi Arabia na interesado sa tennis.
Excited na rin ang Spanish tennis legend para dito lalo na’t marami aniyang mga kabataan sa Saudi na interesado sa larangan.
Samantala, sinabi na ni Nadal na posibleng last season niya na sa paglalaro ang taong 2024 bago ito tuluyang magretiro.