MAGANDANG hakbang ang random drug testing sa mga kawani ng gobyerno ayon kay Pastor Apollo C. Quiboloy.
Sinabi ito ng butihing Pastor sa kaniyang programang ‘Spotlight’ ngayong araw, Hunyo 2.
“Isa ‘yun sa magandang hakbang ni DILG Secretary Benhur Abalos,” pahayag ni Pastor Apollo.
Ito ay kaugnay sa rekomendasyon ni DILG Sec. Benhur Abalos, Jr. sa mga attached agency gaya ng Philippine National Police, Bureau of Fire and Protection, Bureau of Jail Management and Penology, Local Government Units, Commission on Women and Children at Commission on Muslim Affairs.
Intel group na tututok sa lifestyle check, inirekomenda ni Pastor ACQ
Samantala, inirekomenda naman ni Pastor Apollo na mas maganda kung sumailalim din sa lifestyle check ang bawat kawani ng gobyerno.
“Pero ang isa diyan at pinakamaganda rin, ‘yung lifestyle check ng bawat kawani ng gobyerno. Kung minsan, kailangan matunton. Kung minsan sa lifestyle check ‘e hindi naman nila pinapangalan sa kanila. Halimbawa, nalikom nilang illegal na pera, ipapangalan sa iba,” saad ni Pastor Apollo.
Ayon kay Pastor Apollo, kung seryoso talaga ang pamahalaan sa pagsugpo sa korapsiyon, dapat ay may intelligence group na tututok para sa lifestyle checking.
“Dapat meron tayong mga intelligence group na tumututok dito. Na kung saan, ito ba naging kasabwat niya ba ito o pinangalan niya ‘ba ito, ‘o gumawa siya ng korporasyong iba para lang maitago ang kaniyang ilegal na kayamanan. Matindi siguro yun, madugo siguro ‘yun. Pero kung talagang kinakailangan natin na masugpo ang korapsiyon at ang pagiging kasabwat nito sa illegal drug trade, ‘e number one talaga,” ayon pa sa butihing Pastor.
“Kung hindi siya gumagamit ng droga, kung siya ay kasabwat dahil nasa gobyerno. Siyempre, babagsakan ng malaking pera ‘yan. ‘Yun ang dapat na makita at matutukan. Lalabas at lalabas ‘yan sa lifestyle check makikita mo naman,” aniya pa.
Inihalimbawa rito ni Pastor Apollo ang isang police master sergeant kung saan napag-alaman na may tinatago itong malaking halaga ng pera sa kaniyang bank account.
“Itong mga pulis na na sangkot, diba meron akong nabalitaan na pag-check sa kanilang mga bank account ang lalaki. ‘E Master Sergeant ka lang ganito, ganyan ang laki ng bank account mo, that’s one. Kung talagang tayo ay serious sa pagsugpo nito, those are the steps that must be taken. Para talagang serious ang ating address sa drug problem na ‘to sa mga kawani ng gobyerno,” wika ni Pastor Apollo.
Dagdag ng butihing Pastor, kasali rin sa dapat na maimbestigahan ang mga posibleng may kaugnayan sa mga NPA lalo na sa mga naghahangad ng puwesto sa gobyerno.
“Hindi lang ‘yon pati ‘yung naka-attach sa NPA, kasama na rin ‘yan. Tulad ng mungkahi ni Senator Francis Tolentino, na pagka nag-apply ka, titingnan lahat kung sino ‘yung mga kamag-anak mo, kung sino ‘yung mga kalapit mong kamag-anak. Lalo na kung tumatakbo ka. Ipakita mo ‘dun kung may kasabwat kang NPA, ‘o kung may kasabwat kang CPP-NPA-NDF, ‘o kaya ikaw ay sumusuporta sa kanila,” pagtatapos ni Pastor Apollo.