Rank No. 1 na Northport Batang Pier, tinalo ng Meralco Bolts

Rank No. 1 na Northport Batang Pier, tinalo ng Meralco Bolts

30 points ang ambag ni Akil Mitchell para manalo ang Meralco Bolts kontra Northport Batang Pier sa iskor na 111-94.

25 points naman mula sa ‘Best Player of the Game’ na si Chris Banchero at 15 points kay Chris Newsome.

Sa sumunod na game, panalo ang Converge FiberXers kontra Rain or Shine Elastopainters sa iskor na 103-96.

Para sa Converge, 21 points ang mula kay Alec Stockton; 17 points kay Jordan Heading; 15 points kay Justin Arana at 13 points kay Kevin Racal.

Sa nagpapatuloy na elimination round ng 49th season ng PBA Commissioner’s Cup, abangan mamayang alas singko ng hapon ang game ng Terrafirma Dyip at Blackwater Bossing.

7:30 PM naman ang NLEX Road Warriors at TNT Tropang Giga.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble