Re-elected councilor sa Maguindanao del Sur nasawi sa pamamaril

Re-elected councilor sa Maguindanao del Sur nasawi sa pamamaril

NASAWI sa pamamaril ang isang re-elected councilor at isang businessman sa Poblacion, Datu Piang, Maguindanao del Sur.

Kinilala ang biktima na si Thong Mamasalanao Asim, 56 na taong gulang.

Sa imbestigasyon ng Datu Piang Municipal Police Station, nangyari ang insidente kamakalawa kung saan abala ang biktima sa tindahan nito at saka pumasok ang suspek na inakala nitong bibili ng kopra ngunit bigla itong bumunot ng baril at pinagbabaril ang konsehal na nagtamo ng apat na tama mula sa 45 caliber pistol.

Itinakbo pa sa ospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival.

Inaalam pa ng mga kapulisan ang pagkakakilanlan ng suspek at motibo nito sa ginawang krimen.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble