Regular employees ng COMELEC, inaasahang makatatanggap ng 1 month bonus ngayong Abril

Regular employees ng COMELEC, inaasahang makatatanggap ng 1 month bonus ngayong Abril

MAKATATANGGAP na ng one month bonus ang mga regular employee ng Commission on Elections (COMELEC) ngayong Abril.

Ito ang inihayag ni Chairman Saidamen Pangarungan sa kanyang talumpati sa Second Quarter Management Committee Conference ng COMELEC.

Inanunsyo rin ng COMELEC Chair ang augmentation ng transportation at communication expenses para sa mga election officers sa loob ng anim na buwan upang masakop din ang barangay elections sa Disyembre 2022.

Bukod dito, inanunsyo rin nito na ang panawagan para sa gun ban exemption ng election officers, provincial election supervisors, at regional election directors (REDs) ay aprubado na “in principle” ng en banc.

Dagdag pa nito, maari ding maging entitled ang election officers sa hindi lalagpas sa dalawang security detail na subject sa aprubal ng kani-kanilang reds.

BASAHIN: LTFRB, agad na mamamahagi ng subsidiya kapag natanggap na nila ang resolusyon ng COMELEC

Follow SMNI News on Twitter