HINIKAYAT ni Davao City 1st District Rep. Paolo Duterte na magsalita na ang lahat ng mga naging biktima ng ilegal na droga at mga teroristang myembro ng New People’s Army (NPA).
Hindi na aniya panahon sa pananahimik ngayon dahil magandang mailantad na ang tunay na kalupitan at panlilinlang ng mga kriminal at rebeldeng grupo na patuloy na sumisira sa lipunan.
Ang NPA aniya ay dahilan kung bakit libu-libong Pilipino ang nawalan ng buhay, tahanan, at kinabukasan.
Kasama ng kampanya kontra ilegal na droga, ang laban kontra NPA ay isang laban para sa kinabukasan ng lahat at sa seguridad ng buong bansa.
Aniya, mainam na sama-samang ipaglaban ng mga Pilipino ang isang Pilipinas na malaya sa droga, takot, at terorismo.