IMPORTANTENG masunod ang revised modernization program na inilatag ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ayon ito kay AFP Spokesperson Lieutenant Colonel Ramon Zagala sa panayam ng SMNI News.
Aniya, nagpapatibay ang naturang 15-year program nila sa sandatahang lakas ng Pilipinas, bagay na mahalaga rin para maprotektahan ang soberanya ng bansa.
Inamin ni Zagala na medyo may pagkaantala ang pagdating ng ibang kagamitang binili nila subalit naiintindihan nila ito dahil na rin sa epekto ng pandemya.
Nagpapasalamat naman ang AFP kay Pangulong Rodrigo Duterte sa suportang ipinamalas nito sa kanilang hanay.
Sa ngayon, mahigit kumulang 55 proyekto na ang nakumpleto sa ilalim ng Duterte administration at 70 iba pa na nai-deliver nito.
Samantala, tiniyak ni Zagala na tutulong sila para bantayan ang seguridad ng bansa sa 2022 elections.
Suportado at tutulong din sila sa pagpapatupad ng gun ban.