NAKALAAN pa rin ang reward money para maaresto ang ex-Palawan governor.
Nanawagan sa publiko ang Department of Justice (DOJ) na makiisa para maaresto na si dating Palawan Gov. Joel Reyes na mastermind sa pagpatay sa broadcast journalist na si Gerardo Valeriano Ortega o kilalang Doc Gerry sa Puerto Princesa noong 2019.
Nitong nakaraang linggo lang kasi ay inanunsiyo na magbibigay ng P100-K cash reward ang pamahalaan sa sinumang makakapagbigay ng tamang impormasyon sa kinaroroonan ni Reyes.
Nabatid na ang reward money na ibibigay sa impormante ay magmumula sa pondo ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa pamumuno ni Usec. Gilbert Cruz.
Samantala, nito lamang Hunyo 10, 2024 ay nakaugnayan ng DOJ at ng Presidential Task Force on Media Security ang mga abogado ng pamilya ni Doc Gerry at kanilang tinalakay ang pinakahuling kaganapan sa kaso.