Riyermaya, handa na para sa kanilang reunion concert ngayong Pebrero

Riyermaya, handa na para sa kanilang reunion concert ngayong Pebrero

ALL set na para sa kanilang reunion concert ang Pinoy band na Rivermaya!

Sa isang social media post, makikita ang mga larawan ng Rivermaya na nagpa-practice para sa nalalapit na event.

Gaganapin ang concert sa darating na Pebrero 17, 2024 sa SMDC Concert Grounds sa Parañaque City.

Aasahan dito sina Bamboo, Rico Blanco, Mark Escueta, at Nathan Azarcon.

Taong 1994 nang unang nagpalabas ng album ang banda bago pa man lumisan si Bamboo sa grupo taong 1998 na sinundan ni Azarcon taong 2001.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble