Roque nilinaw ang estado ng asylum case niya sa Netherlands

Roque nilinaw ang estado ng asylum case niya sa Netherlands

NILINAW ni Atty. Harry Roque ang aniya’y kumakalat na mga balita hinggil sa kaniyang kasalukuyang status sa Netherlands.

Una aniya, walang katotohanan na ang kaniyang Schengen visa ay inisyu ng Germany.

Hindi rin totoo na ipinasa na ng Dutch immigration authorities ang kaniyang kaso sa Germany.

Pangalawa, nakuha na aniya ang kaniyang national ID mula sa Netherlands nitong Hunyo 11, 2025.

Pangatlo, sa ngayon, hindi pa tapos ang asylum proceedings niya sa Netherlands.

Tanging siya at ang pamahalaan lang din ng Netherlands ang may access sa mga detalye nito dahil ito ay isang confidential na usapin.

Umaasa siya na napawi na sa pahayag na ito ang mga maling haka-haka hinggil sa kaniyang sitwasyon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble