Runways ng Incheon airport sa South Korea, pinasara dahil sa mga basura mula North

Runways ng Incheon airport sa South Korea, pinasara dahil sa mga basura mula North

PANSAMANTALANG pinasara ang tatlong runway ng Incheon International Airport sa South Korea dahil sa mga lobo na nagdadala ng basura mula North.

Sa ulat, mayroong isa na umabot pa malapit sa mga pasahero.

Dahil dito ilang departures ang delayed at marami ang naantala.

Hindi naman ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagambala ang operasyon ng paliparan dahil dito.

Samantala, ang pagpapadala ng North Korea ng mga lobo na may nakataling basura ay paghihiganti nila sa mga ipinadala ring lobo ng mga aktibista sa South na naglalaman ng mga anti-Kim Jong Un regime propaganda.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter