Sa kabila ng malakas na ulan, buong pusong dumalo ang mga taga-Baang, Catigbian sa PDP-Laban Rally

Sa kabila ng malakas na ulan, buong pusong dumalo ang mga taga-Baang, Catigbian sa PDP-Laban Rally

CATIGBIAN, BOHOL — Hindi nagpatinag sa matinding buhos ng ulan ang mga residente ng Barangay Baang sa Catigbian, Bohol na buong tapang na dumalo sa ginanap na Nationwide Campaign Rally ngayong Mayo 3, 2025, bilang pagpapakita ng suporta kay Senatorial Candidate Pastor Apollo C. Quiboloy at sa buong PDP-Laban slate.

Bitbit ang payong, jacket, at matinding paninindigan, hindi naging hadlang ang masamang panahon para sa mga Boholano na nais mapakinggan ang plataporma ni Pastor Apollo ukol sa disiplina, hustisya, at pag-angat ng mahihirap.

Ayon sa organizers, ang determinasyon ng mga mamamayan sa Barangay Baang ay sumasalamin sa diwa ng kampanya — ang panawagan na “Ayusin Natin ang Pilipinas,” anuman ang hamon o panahon.

Bilang bahagi ng Nationwide Campaign, maraming rally ang isinagawa kasabay sa iba’t ibang panig ng bansa. Abangan ang susunod na mga kaganapan!

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble