POSIBLENG aabot sa P500M ang gagastusin sa emergency repair ng dating pinakamahabang tulay sa Pilipinas—ang 2.16 kilometrong San Juanico Bridge.
Posible aniyang kukunin ang pondo sa emergency repair mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council dahil hindi pa ito mabibigyan ng alokasyon ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Sa ngayon ay ipinagbabawal muna dumaan sa San Juanico Bridge ang mga sasakyan na may bigat na higit sa tatlong tonelada.
Ang San Juanico Bridge ay halos 50 taon na mula nang pinasinayaan noong 1973.