SB19, magtatanghal sa coronation night ng Binibining Pilipinas

SB19, magtatanghal sa coronation night ng Binibining Pilipinas

HINDI lang queens ang matutunghayan sa grand coronation night—mas magiging mailaw ang entablado dahil magpe-perform ang kings of P-pop, SB19!

For the third time, haharanahin nila ang 36 candidates gamit ang kanilang galing sa pagkanta at pagsayaw.

Noong June 10, inilabas sa official page ng SB19 ang kanilang announcement, na lalo pang nagpasabik sa mga pageant fans at A’TIN sa buong bansa.

Una silang nag-perform sa pageant noong 2022, kung saan binigyang buhay nila ang pageant theme song na “Win Your Heart.” Muli naman silang tumugtog sa ika-60 anibersaryo noong nakaraang taon kasama sina Concert King Martin Nievera at Mr. Pure Energy Gary Valenciano.

Good luck sa ating mga kings and queens!

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble