Seguridad ng mga estudyante at residente sa Marawi City, tiniyak ng AFP at PNP

Seguridad ng mga estudyante at residente sa Marawi City, tiniyak ng AFP at PNP

DAPAT na ipagpatuloy ng mga estudyante ng Mindanao State University (MSU) at mga residente ng Marawi City ang kanilang normal na buhay sa kabila ng nangyaring pagsabog nitong weekend.

Ito ang panawagan ni AFP chief of staff General Romeo Brawner Jr. sa pulong balitaan sa Marawi City.

Ayon kay Brawner, may sapat na tauhan ang militar at pulisya upang tiyakin ang seguridad ng publiko.

Sa katunayan, may isang company ng mga sundalo ang idineploy sa MSU bilang augmentation force.

Sa panig ng pulisya, isang company din mula sa Regional Mobile Force Battalion ang ipinadala sa MSU.

Nabatid na naka-alerto ang militar at pulisya upang matiyak ang peace and order sa Marawi City at upang maiwasan na maulit ang insidente.

Follow SMNI NEWS on Twitter