ALL set na ang Metro Rail Transit (MRT-3) para sa pagpatupad ng “Oplan Biyaheng Ayos” para sa Undas sa araw ng Martes, Nobyembre 1.
Tiniyak ng MRT-3 ang seguridad at kaligtasan ng bawat pasaherong sasakay ng tren.
Sinabi pa ni MRT-3 General Manager Engr. Federico Canar, Jr., sapat ang bilang ng mga kawani na itatalaga sa mga ticketing booth.
Iba pa rito ang pagpapatupad ng minimum public health standards sa buong linya.
Pinaalalahanan ang publiko na sundin ang “Seven Commandments” sa bawat sakay ng tren gaya ng pagsusuot ng face mask, bawal ang pagsasalita, pakikipag-usap o pagsagot ng telepono at pagkain.
Dapat mayroong sapat na ventilation, frequent disinfection at ipinagbabawal ang pagsakay ng symptomatic passenger at dapat patuloy ang pagsunod sa physical distancing.
Dagdag ni GM Canar, mayroon ng public address system sa lahat ng mga istasyon upang ipaalala sa mga pasahero ang safety at security measures sa MRT-3.