Sen. Bato: Law schools na atat sa impeachment ni VP Sara hayaang magpahayag ng saloobin

Sen. Bato: Law schools na atat sa impeachment ni VP Sara hayaang magpahayag ng saloobin

HAYAAN lang na magpalabas ng kanilang saloobin ang mga law school na nakikisawsaw sa impeachment case ni Vice President Sara Duterte.

Ito ang naging pahayag ni Sen. Ronald Bato Dela Rosa kasunod sa panawagan ng ilang unibersidad na ituloy na ng 19th Congress ang impeachment trial laban sa Pangalawang Pangulo.

Kasama sa nag-issue ng statement ay ang mga dean ng Ateneo de Manila University School of Law; Xavier University—Ateneo de Cagayan School of Law; Ateneo de Davao University College of Law; Ateneo de Zamboanga University College of Law; at ang Ateneo de Naga University College of Law.

Bukod sa Ateneo, nagsalita rin sa issue pabor sa impeachment ang De La Salle University.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble