SA bisa ng isang resolusyon na ipinasa ng Sangguniang Panlalawigan ng Sultan Kudarat, idineklara bilang “adopted son” ng probinsiya si Sen. Bong Go sa kaniyang pagbisita nitong Lunes, Oktubre 9.
Lubos naman ang pasasalamat ni Sen. Go sa ibinigay na pagkilala at pagtanggap sa kaniya bilang anak ng Sultan Kudarat.
Sa abot ng kaniyang makakaya, mas paghuhusayan pa niya ang paghahatid ng tunay na malasakit at serbisyo para sa mga lubos na nangangailangan nating kababayan sa bansa.