MULING isusumite ni Senator Christopher “Bong” Go sa 19th Congress ang Senate Bill No. 425 na naglalayon na amyendahan ang Presidential Decree No. 612 o mas kilala bilang Insurance Code.
Alinsunod pa rin ito sa target ni Sen. Go na mapapatatag ang health security sa bansa.
Ibinahagi ng senador na siya ring Chairman ng Senate Committee on Health, nakita niya ang importansya ng health insurance dahil sa pandemya.
Nakakalungkot aniya na karamihan ay umaabot ng malalaking halaga ang hospital bills at hindi naman lahat kayang masagot ng PhilHealth.
Hindi rin lahat ay miyembro ng State Health Insurance.
Samantala, layunin din ni Sen. Go na matiyak na ligtas ang mga Pilipino sakaling ninanais nitong mag-invest sa mga Health Maintenance Organization (HMO).